Isinusulong ng isang kongresista na isama sa curriculum sa primary at secondary schools ang media education at responsableng paggamit ng internet.
Sinabi ni Assistant Majority Leader at Quezon City Representative Anthony Peter Crisologo, mahalagang matutunan ito ng mga kabataan ngayong panahon ng ‘digital age’ kung saan napakabilis at napakadali ng palitan ng impormasyon.
Sa ilalim ng House Bill 6634, binibigyang mandato ang lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan mula elementary hanggang high school na isama sa aralin ang media education at responsableng paggamit ng internet.
Kadalasan aniya na nabibiktima at naaabuso sa online ang mga kabataan kaya makatutulong ang mga aralin para sa critical thinking at iba pang mga pag-iingat.
Matutunan din ng mga kabataan kung paano mag-analyze ng mga impormasyon at mag-fact checking sa mga lumalabas sa internet bunsod na rin ng talamak na fake news sa online.