Mariing kinondena ng palasyo ng Malacañang ang isa nanamang kaso ng pagpatay sa isang mamamahayag sa Daraga Albay kaninang umaga.
Pinagbabaril hanggang mapatay ang radio broadcaster na si Joey Llana nang nga hindi pa natutukoy na salarin habang ito ay nasa loob ng kanyang sasakyan.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, walang puwang sa lipunan ang ganitong mga krimen na isang pagkitil sa karapatan na mabuhay at ang karapatan ng mga mamamabayag.
Tiniyak din ni Roque na tututukan ng Presidential Task Force on Media Security ang kasong ito upang mapanagot ang mga nasa likod ng pagpatay.
Facebook Comments