Media, malaki ang papel na ginagampanan para sa kalusugan ng bawat indibidwal – PHAP

Naniniwala ang Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines o PHAP ang kahalagahan ng ginagampanang tungkulin ng mga mamamahayag sa Pilipinas upang maihayag ang importansya ng kalusugan para sa isang indibidwal.

Katuwang ang MSD sa bansa, kanilang inorganisa ang Together for Health event na isang Series of Media Enablement Sessions na may layong palawakin pa ang kaalaman ng mga mamamahayag pagdating sa mga usaping pangkalusugan.

Binibigyang-diin din dito ang kahalagahan ng pagtalakay sa health issues na madaling maunawaan ng mas nakararami.


Upang makamit ang mithiing ito, nagtipon-tipon ang kilalang scientific experts, health leaders and decision-makers, at ang grupo ng mga pasyente upang maibahagi ang kanilang mga nalalaman at pananaw sa pamamagitan ng isang interactive na panel discussion.

Kumpiyansa ang PHAP na magreresulta ang mga hakbanging ito upang matugunan ang health issues ng bansa at makita ang epekto at aral na ating nakuha sa pagtama ng COVID- 19 pandemic.

Tiniyak pa ng PHAPI, na mauunawaan ng mga nakiisa at dumalo sa aktibidad kung nasaan na ang bansa sa trajectory ng pandemya, kung ano ang naging epekto at mga nagbago sa ating healthcare system, at kung paano tayo magpapatuloy mula rito.

Facebook Comments