MANILA – Umapela si Pangulong Noynoy Aquino sa media na maging patas naman sa pag-uulat lalo na sa mga tumatakbong kandidato ngayong eleksyon.Sa pagharap sa iba’t ibang Media Executives sa Publish Asia 2016, pinagsabihan nito ang media na iwasan na maging paborito ang kandidatong walang ginawa, kundi magsalita lang ng mga pang-headline.Ayon sa Pangulo, may mga kandidatong matino at maayos ang mga plataporma para sa sambayanan pero hindi nabibigyan ng pansin dahil sa pagsi-sensationalize ng mga balita.Dahil dito mas marami anyang botante ang naniniwala sa mga maling balita.Pinuna rin ni Pnoy ang tinatawag na “new media” na dahil sa pagmamadali nilang magsulat ay nagiging malabnaw na detalye kumpara sa tradisyunal na print media.
Facebook Comments