Manila, Philippines – Isang dilemma sa panig ng mainstream media ang pagbibigay ng mga opsiyal ng pamahalaan ng maling impormasyon na maituturing na fake news.
Ito ang sinabi ng journalist na si Ellen Tordessilas sa pagdinig ng Committee on Public Information and mass media na pinamumunuan ni Senator Grace Poe ukol sa pamamayagpag ng fake news.
Pangunahing halimbawa ni Tordesillas ang isiniwalat ni pangulong Rodrigo Duterte na bank accounts sa abroad ni Senator Antonio Trillanes IV na sa bandang huli ay inamin nyang imbento o produkto lang ng kanyang imahinasyon ang ilang account numbers.
Sa pagdinig ay iginiit naman ni Presidential Communications Office Undersecretary Joel Egco na kailangan i-define mabuti kung ano ang fake news.
Paliwanag ni Egco, sa ngayon kasi kapag may nasaktan o nagalit sa anumang impormasyon na lumabas ay tatawagin na agad itong fake news at madali ang mag-akusa hinggil dito.
Sabi naman ni Senator Franklin Drilon, sa ngayon ay ang pagsasampa ng kasong libel ang legal na remedyo o hakbang laban sa nagpapakalat ng fake news o malisyo at mapanirang balita.
Dismayado naman ang komite dahil hindi dumalo sa pagdinig si Edward Angelo Cocoy Dayao na sinasabing nasa likod ng mapanirang artikulo laban sa pitong majority senators na hindi nakapirma sa senate resolusyon na isinulong ng opposition senators laban sa tumataad na kaso ng pagpatay kung saan biktima din ang mga kabataan.
Sa pagdinig ay lumitaw na si Dayao Umano ang nasa likod ng halos 20 websites na pumupuna sa administrasyong Duterte.
Pinalagan naman kanina ni dating Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang pahayag ng isang blogger sa pagdinig na si dating DILG Secretary Mar Roxas ang nasa likod ng nag-viral noon na #nasaan ang pangulo.
Ito ay ng hindi sumipot si dating Pangulong Noynoy Aquino sa pagdating ng mga labi ng SAF 44 na biktima ng Mamaspano encounter sa Villamor Airbase.
Ginawa daw ito ni Roxas upang mabuhos ang negatibong isyu kay dating Pangulong Aquino maproteksyunan ang kanyang presidential candidacy para sa 2016 elections.
Giit ni Lacierda, ang pahayag ng nasabing blogger ay very offensive, malisyoso at walang basehan.