Media, pinaalalahanan ng DILG sa paggamit ng “lockdown” kaugnay ng COVID-19 crisis

Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang media sa paggamit ng salitang ‘lockdown’ sa ginagawang mga pag-uulat hinggil sa COVID-19.

Ayon kay DILG Spokesperson Usec. Jonathan Malaya, dapat ipaliwanag ng media ang mga terminolohiya para makaiwas sa paglikha ng panic sa publiko.

Dahil sa paggamit ng ‘lockdown’, marami ang bumili ng pagkain at medical kits na lampas sa kanilang pangangailangan.


Ani Malaya, ang salitang lockdown ay tumutukoy lamang sa extreme measure sa ilalim ng Code Red Sublevel 2.

Aniya, wala pang kondisyon na mangangailangan na kontrolin ang galaw o hindi palalabasin ang mga tao sa isang area sa pag-containe ng community transmission.

Kung ang isang gusali o pasilidad ay isinara, hindi ito nangangahulugang nakal lockdown ang lugar kundi sumasailalim lang ito sa disinfection procedure.

Facebook Comments