Media, Pinagbawalan Na I-Cover Ang New Year’S Call Sa Pnp Chief Ngayong Taon

2

MANILA – Naging mahigpit ngayon sa media ang Philippine National Police sa idinaos na aktibidad para sa new year’s call kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa.Binawalan ang mga mamamahayag na makapasok sa multi-purpose hall ng PNP kung saan idinaraos ang event.Noong mga nagdaang taon, pinapayagan ang mga miyembro ng media sa loob para maicover ang tradisyunal na event ng PNP.Sa taunang new year’s call, tinatanggap ng PNP Chief ang lahat ng regional directors at pinuno ng national support units ng pambansang pulisya kasama ang kani-kanilang asawa.Hindi naman nagbigay ng paliwanag si PNP Spokesperson Senior Supt. Dionardo Carlos kung bakit hindi napayagan ang media na mag-cover.Sa halip, nagbibigay na lamang si Carlos ng mga larawan at maiiksing video sa media ng mga pangyayari sa loob ng multi-purpose hall.

Facebook Comments