Manila, Philippines – Umapela si Tourism Secretary Wanda Teo sa media na huwag namang masyadong palakihin ang issue sa umanoy extra-judicial killing sa bansa.
Ito naman ang sinabi ni Teo sa harap na rin ng video message na ipinadala ni Vice President Leni Robredo sa United Nations kung saan inihahayag nito ang mga nangyayaring patayan sa bansa at ang umanoy palit-ulo scheme ng Philippine National Police.
Ayon kay Teo sa briefing nito sa Thailand, hindi nagiging madali sa kanilang ang pag-eengganyo sa mga dayuhan na bumisita sa bansa kung ang naririnig na mga balita ay puro tungkol sa patayan.
Una nang sinabi ni Teo na malaking dagok sa turismo ng Pilipinas ang video message ni Robredo na ipinadala sa UN.
Facebook Comments