Manila, Philippines – Ipinasasama ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Media sa mga anti-illegal drugs operations ng Philippine National Police.
Ito naman ay sa harap na rin ng mga puna at batikos sa mga pagpatay sa ilang menor de edad ng PNP na umanoy nanlaban tulad ng kaso ni Kian Delos Santos at ang pinakahuling kaso ni Carl Angelo Arnaiz.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi dapat magsagawa ng illegal drug operations ang PNP hanggang walang kasamang media at dapat makita ng buo ng media ang ilulunsad na operasyon hanggang ito ay matapos.
Paliwanag ng Pangulo, ito ay para maidokumento ng media ang hirap ng pagsasagawa ng operasyon laban sa mga drug suspects at maramdaman ang trabaho ng mga pulis.
Hindi din naman aniya babarilin ng mga suspect ang media at mga pulis parin ang pupuntiryahin ng mga ito.
Wala din namang katiyakan kung seryoso o nagbibiro lamang si Pangulong Duterte nang banggitin niya ito.
Media, pinasasama ng pangulo sa mga anti-drug operations ng PNP
Facebook Comments