Media reports kaugnay sa extra judicial killings, tila pinigil daw ayon kay dating Pangulong Noynoy Aquino

Manila, Philippines – Tahasang sinabi ni dating pangulong Noynoy Aquino na nanatili pa rin ang mga kalagayan na naganap sa panahon ng kaniyang ama na si dating Senador Ninoy Aquino.

Sa kaniyang pahayag matapos ang misa sa Manila Memorial Park kaugnay ng 34th anniversary ng kamatayan ni Ninoy, inihalintulad ni Noynoy ang nangyari sa kaniyang ama sa mga nasawi sa war on drugs ng gobyerno.

Aniya, nang paslangin ang kaniyang ama sa Tarmac ay pinigilan ang media na maiulat ito nang buo.


Mistulang ganito rin ang nangyayari ngayon dahil malaking hamon sa media na ilantad ang abuso sa implementasyon ng war on drugs.

Bagamat wala siyang mapanghahawakang katibayan na state sponsored ang mga nangyayaring pagpatay, nakukulangan siya sa aksyon ng administrasyong Duterte na hanapin at parusahan ang mga nagsasagawa ng extra judicial na pagpatay.

Para naman aniya sa mga pumupuna na wala siyang gaanong nagampanan pagdating sa pagpuksa ng droga, mas hamak aniya na may nagawa siya kung ihahambing kay dating Pangulong Gloria Arroyo.

Facebook Comments