Nagtipon-tipon ang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Dagupan (UDD) upang makibahagi sa Daluyon Media Summit – Journalism Camp, kahapon.
Tampok sa seminar ang mga kilalang personalidad mula sa industriya ng broadcast media na nagbahagi ng kanilang mga kaalaman at karanasan sa mga kabataang nagnanais maging bahagi ng mundo ng pamamahayag.
Kabilang sa mga naging tagapagsalita si Idol Mark Espinosa, Station Manager ng 104.7 iFM Dagupan na Nagbigay ang mga mahahalagang tips sa mga estudyante tungkol sa pagsulat ng balita, etika sa media, at ang papel ng mga mamamahayag sa panahon ng social media at disinformation.
Ayon naman kay Marie Eden Tamonan, ang adviser ng Alliance of Communication Students, nagsisilbing tulay ang seminar upang matutunan ng mga estudyante ang mga pinakamahalagang aspeto ng pamamahayag.
Dagdag naman ni Craig Xanthe Hortaleza, adviser, mainam ang nasabing aktibidad upang magbigay paalala sa mga estudyante na maging maingat sa pagtukoy ng tama at maling impormasyon.
Para sa mga mag-aaral, malaki Umano ang naitutulong ng seminar sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa larangan ng media at maging handa sa pagiging Isang journalist balang araw.
Samantala, inaasahan na ang mga seminar ay magsilbing gabay sa mga estudyante upang matutunan ang kahalagahan ng kalidad, kredibilidad, at tamang paghatid ng impormasyon sa modernong pamamahayag. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









