Nanawagan si labor committee Chairman Senator Joel Villanueva na isama sa priority list ng mga essential worker na babakuhan ng gobyerno ang mga manggagawa sa media.
Giit ni Villanueva, mahalagang ang tungkulin na ginagampanan ng media sa paghahatid ng tamang impormasyon sa gitna ng pandemya.
Sinabi ito ni Villanueva, matapos isapubliko ng gobyerno ang priority list ng essential workers na kabilang sa A4 cluster.
Tinukoy ni Villanueva, na maliban sa mga field reporter ay dapat ding mabakunahan ang bahagi ng iba’t ibang mga newsroom tulad ng mga photographer at videographer, editor, production crew at iba pang kawani.
Diin ni Villanueva, ang media ay ating information frontliners na bukod sa peligroso ang trabaho ay may napakahalagang ambag na kaalaman at impormasyon laban sa pandemya.