Media workers, pinapabigyan ng proteksyon ni SP Sotto

Courtesy: Senate of the Philippines | Facebook

Inihain ni Senate President Tito Sotto III ang Senate Bill No. 1820 o panukalang Media Workers’ Welfare Act na magbibigay proteksyon sa mga mamamahayag.

Nakapaloob sa panukala ang paglalaan ng comprehensive package sa media workers tulad ng mga benepisyo na nakukuha ng mga empleyado sa pampubliko at pribadong sektor.

Itinatakda rin sa panukala ang pagbuo ng basic compensation scheme na gagarantiya sa security of tenure, regularisasyon at insurance benefits, bukod pa sa umiiral na benepisyo mula sa gobyerno.


Pinabibigyan din ng panukala ang mga media workers ng 500 pesos kada araw na hazard pay sa mga delikadong coverage, overtime pay, at night shift differential pay.

Kasama rin sa panukala ang pagbuo ng News Media Tripartite Council na magsisilbing koneksyon sa iba’t ibang stakeholders para sa paglalatag ng mga polisiya o desisyon para sa media industry.

Ang panukala ni SP Sotto ay pagkilala sa malaking papel at sakripisyo ng media na aniya’y mas malaki pa ang oras na ginugugol sa trabaho kesa sa kanilang pamilya, at yan ang higit na nakita ngayong may pandemya.

Facebook Comments