Medical allowance ng PDL, nais doblehin ng BuCor

Itinutulak ngayon ng Bureau of Corrections (BuCor) na madoble ang medical allowance ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) mula P 15 sa P30 kada araw.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., ang pangangailangan ito na taasan ang medical allowance ng mga PDL upang mapabuti ang serbisyong pangkalusugan sa loob ng mga kulungan.

Isinusulong din ng BuCor ang Medical Parole Bill, na layuning magtatag ng sistemang magbibigay ng medical parole sa mga PDL na may edad 70 pataas at sa mga may malulubhang karamdaman, batay sa makataong konsiderasyon.

Ayon kay Catapang, ang mga matatandang PDL na may malalang sakit ay limitado na ang kakayahang alagaan ang sarili at itinuturing na mababa ang banta sa seguridad ng publiko.

Ipinaliwanag din niya na makatutulong ang panukalang batas hindi lamang sa decongestion ng mga kulungan at penal farms sa bansa, kundi magpapagaan din ito ng pasanin sa sistema ng piitan habang kinikilala at pinangangalagaan ang karapatang pantao.

Facebook Comments