Nagbabala ang isang Medical Anthropologist ng University of the Philippines (UP) hindi na mawawala ang virus.
Gayunman, sinabi ni Dr. Michael Tan na maaaring makontrol ang virus kung magkakaisa ang mga tao sa pag-iingat at pagsunod sa tamang health protocols.
Ayon kay Dr. Tan, kailangan ding harapin at tanggapin ng bawat isa na hindi na talaga maaaring ibalik ang dating sistema na nakagawian ng mga tao.
Tinukoy ni Dr. Tan na dapat na ring iwasan ang pagdura kung saan-saan dahil ito ay nagdudulot ng pagkalat ng virus.
Hindi na rin aniya dapat pairalin ang kultura ng pagkakamayan bilang tanda ng pagbati.
Una nang inihayag ng executive director ng World Health Organization (WHO) Health Emergencies Program na ang Coronavirus ay hindi na mawawala at sa halip ay hahalo lamang ito sa ibang virus na pumapatay sa mga tao sa buong mundo kada taon.