CAUAYAN CITY – Nagpaabot ng medical assistance para sa mga evacuees ang Kagawaran ng Kalusugan sa buong Lambak ng Cagayan.
Ang nasabing tulong medikal ay upang masiguro na nasa ligtas at maayos na kalagayan ang mga lumikas.
Nagsagawa rin ng monitoring sa mga evacuation centers ang Health Emergency Response Teams (HERT).
Bukod dito, namahagi din ng mga gamot para sa lagnat, ubo, at sipon ang ahensya.
Mayroon ding ibinigay na Tetanus-Diphtheria vaccines upang mapigilan ang paglaganap ng mga naturang sakit at hygiene kits.
Samantala, ayon sa datos ng Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD), nasa 5,138 na pamilya o 15,000 individuals ang nawalan ng tirahan matapos ang pananalasa ng bagyong Nika.
Facebook Comments