MEDICAL ASSISTANCE PARA SA MGA MAHIHIRAP NA PASYENTE NA NASA PRIBADONG OSPITAL SA SAN CARLOS CITY, KASADO NA

Maari nang makatanggap ng medical assistance ang mga indigent at financially incapable patients na nasa pribadong ospital base sa nilagdaang Memorandum of Agreement sa pagitan ng lokal na pamahalaan.

Sa ilalim ng kasunduan, target na mabigyan ng tulong pinansyal ang mga nasa vulnerable sector tulad ng mga kabilang sa indigenous population, individuals in crisis situation na nangangailangan ng medikal na atensyon.

Limang pribadong ospital sa lungsod ang kaisa sa naturang programa na kinabibilangan ng Virgen Milagrosa Medical Center, Blessed Family Doctors General Hospital, Christ-Bearer Infirmary Hospital, Elguira General Hospital at Pangasinan Doctors Hospital.

Dadaan sa assessment ng lokal na pamahalaan ang final billing na mula sa ospital bago mabigyan ng guarantee letter upang mabigyan ng medical assistance.

Kaugnay nito, binigyang-diin ng tanggapan ang pagpapahalaga sa kalusugan na dapat unahin sa kabila ng kaakibat na pinansyal na bayarin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments