Nais ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III na mapasailalim sa programang Medical Assistance for Indigent Patient (MAIP) ang mga agrarian reform beneficiaries.
Ang MAIP ay isang programa ng Department of Health (DOH) na nagbibigay ng tulong medikal para sa mga mahihirap na pasyente sa bansa.
Sinabi ni Estrella na bahagi ito ng 9-point priority areas na tinukoy ng DAR, bilang tugon sa panawagan ng pangulo na ipagpatuloy ang Agrarian Reform Program at pagtuunan ng pansin ang pangangailangan ng mga magsasaka sa buong bansa.
Aniya, kailangan ding tugunan ng DAR ang medical concerns ng mga ARB dahil karamihan sa kanila ay kabilang sa mahihirap na sektor ng lipunan.
Binigyang-diin ni EstrelIa na iminungkahi na niya sa cabinet meeting kasama ang pangulo na isama sa saklaw ng DOH ang mga ARB bilang mga recipients ng MAIP.
Tiniyak naman nito sa mga ARB maisasama sila sa programa pagsapit ng 2023.