Tuesday, January 20, 2026

Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients o MAIFIP Program, isinusulong na gawing permanenteng batas

Inendorso na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na layong gawing permanente ang Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) Program.

Tatlong komite ang nagendorso ng Senate Bill 1593 o ang Universal Healthcare Medical Assistance Program Act na nilagdaan ng 12 senador.

Sa panukala ay gagawing bahagi na ng UHC Medical Assistance Program ang MAIFIP na regular na popondohan sa taunang pambansang pondo.

Bibigyan ng tulong sa programang ito ang mga bayarin sa ospital at pagpapagamot ng mga indigent o mahihirap na mga pasyente gayundin ay sasaklawin ang mga financially incapacitated o mga hindi indigent pero hindi kayang mabayaran ang pagpapagamot o pagpapa-ospital dahil malubha at matagalan ang karamdaman, nasagad na ang coverage ng PhilHealth at Health Maintenance Organization (HMO).

Ang mga tatanggihan sa MAIFIP program ay maaaring dumulog sa Department of Health (DOH).

Pagbabawalan naman ang mga public official at mga kandidato na gamitin ang medical assistance program sa political patronage kabilang ang pagiisyu ng guarantee letters.

Facebook Comments