
Inilapit sa Barangay Baldog sa San Carlos City ang isang Medical at Dental Mission noong ika-18 ng Pebrero sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Provincial Government of Pangasinan at isang foundation mula sa America katuwang ang lokal na pamahalaan.
Personal na dinaluhan ng kinatawan ng lokal na pamahalaan ang programa bilang pagpapakita ng suporta sa mga inisyatibang pangkalusugan.
Nakiisa rin ang tanggapan ng City Health Office upang pangunahan ang maayos na pagpapatupad ng libreng serbisyong medikal at dental para sa mga residente.
Layunin ng misyon na maisulong ang pangangalaga sa kalusugan sa pamamagitan ng maagang pagsusuri, konsultasyon, pamamahagi ng gamot, at pagsasagawa ng dental procedures gaya ng bunot at oral check-up, upang mas mapalapit ang serbisyong pangkalusugan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










