Handog muli para sa mga residente sa bayan ng San Fabian ang patuloy na pagbigay ng serbisyong pangkalusugan mula sa tanggapan ng kongresista sa ikaapat na distrito ng Pangasinan.
Saklaw ng nasabing serbisyong medikal ang libreng health check-up, pamamahagi ng mga gamot at bitamina at nagkaroon din ng dental service na pagbunot ng ngipin.
Mga residente partikular sa Brgy. Rabon sa nasabing bayan ang benepisyaryo ng medical services at maging mga nauna nang mga residente sa iba pang barangay sa bayan ng San Fabian.
Samantala, Matatandaan na patuloy ang pag-arangkada ng Serbisyong Subok Na ng kongresista para sa mga residente sa mga bayan at lungsod sa ilalim ng 4th District ng lalawigan na may layong makapagbigay ng kalidad na serbisyong magtataguyod sa kapakanang pangkalusugan ng mga Pangasinense. |ifmnews
Facebook Comments