Medical certificate para sa mga batang gusto magpabakuna kontra COVID-19, libreng makukuha sa San Juan Medical Center

Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng San Juan na maaaring magpakonsulta ng libre ang mga batang may edad 12-17 taong gulang na may comorbidities sa San Juan Medical Center.

Libre din ang medical certificate sa nasabing ospital ayon sa pamahalaang lungsod.

Pero paglilinaw ng ng San Juan City government, ito ay para lamang sa mga residente ng San Juan na may San Juan Health Card.


Kaya naman payo nila na dalhin San Juan Health Card sa araw ng konsulta.

Dahil bawal ang walk-in sa nasabing ospital, mag-log on sa online booking system ng San Juan Medical Center upang makapagpa-schedule.

Makikita ang link ng online booking sa official Facebook page ng lungsod at sagutan ang form kalakip ang araw at oras ng appointment.

Ayon naman sa pamahalaan, tulong na rin ang nasabing hakbang sa mga mahihirap na magulang na gustong pabakunahan ang kanilang mga anak ng anti-COVID-19 vaccine na kailangan ng medical documents.

Nabatid na ang san Juan City ay nagsimula nang mabakuna kontra COVID-19 sa mga menor de edad ng lungsod.

Facebook Comments