Medical clearance certificate, gagawing requirement sa mga pasahero ng domestic airlines at ships

Planong gawing requirement ang medical clearance certificate  sa lahat ng pasahero ng domestic travel bago sila payagang makasakay ng barko o eroplano.

Ayon kay Joint Task Force COVID-Shield Commander, Lieutenant General Guillermo Eleazar, kailangan nang mahigpit na ipatupad ang polisiyang ito bilang preventive measures sa COVID-19.

Dagdag na proteksyon ito sa posibilidad na ilan sa mga pasahero ay maaaring carrier o mayroong virus.


Sinabi ni Eleazar na inirekomenda na ang polisya sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ang polisiyang ito ay sinang-ayunan ng Local Government Units (LGU).

Facebook Comments