MEDICAL CONSULTATION AT SERVICES, ISINAGAWA PARA SA MGA BETERANO SA PANGASINAN

Nagsagawa ng isang Medical Consultation at Services ang provincial government ng Pangasinan para sa mga beterano sa lalawigan.
Ito ay upang mabigyang pansin ang kalusugan ng mga veterans sa Pangasinan pati na rin ang kanilang pamilya.
Kasabay ang pagsasagawa nito sa paggunita sa 78th Lingayen Gulf Landings Anniversary at 16th Pangasinan Veterans Day.

Ang medical consultation at services na ito ay pinangunahan ng Provincial Health Office at nakapagtala ng kaukulang mga serbisyo na 256 Medical Consultation, 47 Laboratory, 20 Blood Sugar, 1 Urinalysis, 5 Cholesterol, 3 Hemoglobin, 18 Blood Uric Acid, 56 Flu Vaccination, 8 COVID-19 Vaccination at 39 ECG. |ifmnews 
Facebook Comments