Medical, Dental at Water Station ng PRO2, Binuksan na

Cauayan City, Isabela- Pinasinayaan na ang bagong bukas na Maringal Medical and Dental Clinic at Our Lady of Piat Miracle Water Refilling Station kahapon sa Camp Saturnino L Dumlao, Nueva Vizcaya Police Provincial Office, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Mismong si PMGen. Angelito Casimiro, Director, Directorate for Logistics at PRO2 Regional Director Police Brigadier General Crizaldo Obispo Nieves ang nanguna sa nasabing seremonya.

Bahagi ng donasyon ang mga nasabing pasilidad gaya ng Medical at Dental Clinic na umabot sa higit P1 milyon (Php 1,192,797.87) kung saan partikular itong ipinagkaloob ng Casimiro brothers (Mr. Aniceto Abellera Casimiro, Area Manager of Island Pacific Supermarket and Mr. Anselmo Abellera Casimiro).


Maliban pa dito, nagbigay rin ng 1-unit patrol car si PMGen. Casimiro sa All-Women City Mobile Force Company ng Santiago City Police Office na layong mapalakas pa ang pwersa ng lady warriors sa kanilang pagganap sa trabaho.

Samantala, buo naman ang suporta ng mga nasa likod ng donasyon para sa iba pang proyekto ng kapulisan gayundin ang pagpapagawa sa konstruksyon ng Nueva Vizcaya Chapel.

📸PRO2

Facebook Comments