Medical evacuation ng mga tauhan ng PCG sa isang sundalo na nakatalaga sa BRP Sierra Madre, hinarang ng mga barko ng China

 

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hinarang ng mga barko ng China ang ikinasang emergency medical evacuation ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isa nating sundalo na kinailangan noong ilikas.

Ayon kay Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, nangyari ang insidente noong July 7, 2024 kung saan isa sa mga sundalong nakabase sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ang kinailangang ilikas at isugod sa ospital.

Bagama’t tumanggi itong idetalye ang insidente, sinabi naman nitong naging matagumpay ang emergency medical evacuation sa naturang sundalo.


Sa ngayon, nasa Camp Ricarte Station Hospital sa Puerto Princesa, Palawan ang may sakit na sundalo.

Samantala, nilinaw ni Trinidad na walang rotation and resupply mission ang isinagawa alinsabay sa nabanggit na medical evacuation.

Binigyang diin pa nito na mananatili ang presensya ng Sandatahang Lakas sa mga islang inookupa ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Facebook Comments