Nagbabala ang grupo ng mga doktor sa nagmamadaling ibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila kasunod ng bahagyang pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Philippine College of Physicians (PCP) President Dr. Maricar Limpin, dapat ay mag-obserba pa ng ilang linggo para makita ang statistics.
Aniya, posibleng hindi pa naipapakita sa current numbers ang aktwal na COVID-19 infections sa Metro Manila dahil marami ang hindi na nagpapasuri.
Giit ni Limpin, maaaring mas ligtas na magpasya ang pamahalaan kung ibababa ang alert level sa NCR pagkatapos ng February 15.
Facebook Comments