Tinutukan ng Department of Tourism o DOT ang pagkakaroon ng mas maayos na sistema at medial facilities sa mga tourist destination sa bansa.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, nakikipag-ugnayan na sila sa mga Local Government Unit (LGU) para matiyak na mayroong medical personnel at first aid facilities sa lugar para tumugon sa mga emergency cases.
Aniya, dapat ring tiyakin ng mga accredited na hotel at resort na mayroon silang sinanay na first aid staff.
Giit ni Puyat, ang mga hindi tutugon rito na mga hotel at resort ay posibleng maharap sa suspensyon o matanggalan ng accreditation.
Facebook Comments