Kinumpirma ni Pasay City General Hospital Officer-in-Charge Dr. Jonvic de Gracia na inilipat muna nila sa ibang beds ang kanilang medical frontliners na naka-confine sa nasabing pagamutan dahil sa COVID-19.
Ayon kay Dr. De Gracia, ito ay bukod sa regular beds na nakalaan sa COVID patients.
Sa ngayon aniya, 15 medical frontliners ng Pasay City General Hospital ang naka-confine dahil sa virus.
Habang 10 na ang gumaling mula sa 25 na ng medical staff ng nasabing pagamutan na tinamaan ng infection.
Kabilang sa 15 aktibong kaso ay ang mga sumusunod:
• 2 doktor
• 4 nurses
• 4 nursing aides
• medical technologist
• 1 pharmacist
• admin personnel
Facebook Comments