Medical frontliners sa Sulu, napadalhan na ng pangalawang batch ng bakuna

Nakarating na kahapon sa lalawigan ng Sulu ang pangalawang batch ng bakuna para sa medical frontliners doon.

Dinala ng isang Philippine Air Force NC-212i aircraft ang 2,300 na dose ng Sinovac vaccine.

Ang bakuna ay tinanggap sa Jolo Airport ni Sulu Integrated Provincial Health Office (IPHO), Chief of Technical Division Mr. Juli-an Sangkula sa tulong ng Tactical Operations Group Sulu Tawi-Tawi.


Sinabi ni Joint Task Force – Sulu at 11th Infantry Division Commander MGen. William Gonzales, inaasahan nilang makukumpleto na nila ang pagbabakuna ng lahat ng medical frontliners sa Sulu kabilang ang mga military personnel na naghahatid ng bakuna.

Aniya, 300 sa kanilang mga military health personnel ang nakatakdang turukan ng pangalawang dose ngayong buwan.

Facebook Comments