Medical frontliners sa Tagaytay City, nabakunahan na rin

Courtesy: Athena Tolentino | Tagaytay City Councilor

Umarangkada na rin ang vaccination program para sa mga medical frontliner sa Tagaytay City, isa sa mga tinuturing na tourist destination ng bansa sa Cavite.

Partikular na itinurok sa medical frontliners ng Tagaytay Medical Center ang AstraZenica vaccine.

Unang binakunahan si Dr. Warren Roraldo na isang general surgeon ng nasabing ospital.


Sinundan naman ito ni TMC Director Dr. Rafael Rodriguez at iba pang mga medical frontliner.

Target ng unang batch ng vaccination program ang 585 na frontliners sa Tagaytay.

Isinasagawa ang vaccination program sa Tagaytay International Convention Center.

Facebook Comments