Kinatigan ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) ang kahilingan ni Pastor Apollo Quiboloy na extension sa kanyang medical furlough hanggang November 27.
Ayon kay Atty. Israelito Torreon, abogado ni Quiboloy, matinding diskusyon ang nangyari kanina sa pagdinig bago ito kinatigan ng korte.
Ang medical furlough ni Quiboloy ay bunga ng naging infection sa kanyang dental implant.
Sinabi ni Atty. Torreon na apektado kasi ang panga ni Quiboloy sa naging epekto ng dental implant kaya kailangan muna itong malunasan.
Una nang isinugod sa Philippine Heart Center si Quiboloy noong November 8 dahil sa hirap itong huminga.
Ang naturang evangelist ay nahaharap sa kasong human trafficking.
Facebook Comments