Medical history ng pasyenteng isasailalim sa pagbabakuna kontra COVID-19, bubusisiin

Mayroon nang 160,000 na medical frontliners sa Metro Manila ang nagpalista para sa COVID-19 vaccine.

Ayon sa Department of Health (DOH), patuloy pa nilang pinaplantsa ang kanilang masterlist hinggil dito.

Sa virtual press conference ng DOH, inilatag din ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna ang mga proseso para sa pagpapa-register sa kanilang website.


Kabilang sa proseso ang mahigpit na pagbusisi o pag-fill out sa form hinggil sa medical history ng isang pasyenteng sasailalim sa vaccination.

Aminado naman ang DOH na inaasahan na nila na magkakaroon ng mga aberya sa unang bugso ng pagbabakuna kaya hinihiling nila ang suporta at kooperasyon ng publiko.

Samantala, nilinaw naman ng DOH na patuloy pa rin silang nakabantay kung may iba pang variants ng COVID-19 ang nakapasok sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, normal naman sa virus na magkaroon ng maraming variants pero hindi ito nangangahulugan na mapanganib ang variants.

Facebook Comments