MEDICAL KITS MULA SA PAG PTD, HANDOG SA LGU LINGAYEN

Handog ang ilang medical kits mula sa Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAG PTD) na pinangunahan ni Philanthropist Dr. Ashok Vasandani kasama ang Vice-Chairperson na si Lyn Ang para sa lokal na pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ng alkalde na siya ring kasalukuyang tagapangulo ng PAG PTD.
Ipinamahagi na ang mga medical kits na 5 wheelchair, 5 nebulizer kit at 5 blood pressure apparatus.
Dinaluhan naman ang pamamahagi ng bise-alkalde, mga ilang kawani ng Sangguniang Bayan, Municipal Health Officer, Municipal Administrator, MSWDO, MIO, GSO at iba pang kawani ng lokal na pamahalaan.

Ang nasabi aktibidad ay ang pakikipagtulungan sa pagitan ng LGU at PAGPTD sa pagtiyak ng patuloy na paghahatid ng mga kinakailangang serbisyong medikal sa mga tao.
Samantala, mayroon pang karagdagang 5 wheelchair na ihahatid pa lamang. |ifmnews
Facebook Comments