Manila, Philippines – Nangangamba si Senior Deputy Minority Leader Lito Atienza sa maaaring maidulot ng medical marijuana sa oras na ito ay maging ganap na batas.
Babala ni Atienza, lilikha ito ng public health emergency gaya ng opioid crisis sa Amerika.
Nagdeklara si US President Donald Trump ng public health emergency bunsod nang lumalalang paggamit at pagka-adik sa opioids na sinasabing pumapatay ng 91 Amerikano kada-araw.
Sabi ni Atienza, hindi malayong mangyari din ito sa Pilipinas kapag naging ligal ang paggamit ng medical marijuana kung saan papayagan ang mga doktor na magreseta nito sa mga pasyenteng nangangailangan ng pain reliever.
Patuloy naman ang paghimok ng kongresista sa mga kasamahang mambabatas na huwag pagtibayin ang House Bill 6517 o an Act Providing Filipinos Right of Access to Medical Marijuana.