MEDICAL MISSION, AARANGKADA SA BAYAN NG MANGALDAN AT LUNGSOD NG DAGUPAN

Aarangkada ang isang medical mission sa bayan ng Mangaldan at lungsod ng Dagupan handog para sa mga residente rito mula sa tanggapan ng ikaapat na distrito ng Pangasinan.
Sa darating na May 19 at 20, magaganap ang nasabing libreng serbisyong pangkalusugan na kinabibilangan ng libreng health check-up, bunot ng ngipin, gayundin ang pamamahagi ng gamot at vitamins.
Sa araw ng Biyernes, May 19, mula alas otso hanggang alas onse ng umaga, ang tanggapan ni Cong. De Venecia ay nasa Brgy. Alitaya at mula ala una naman hanggang alas kwatro ng hapon, nasa Brgy. Buenlag naman, parehong Barangay sa bayan ng Mangaldan.

Sa araw naman ng Sabado, May 20, magtutungo ang tanggapan para ihatid ang serbisyong pangkalusugan sa dalawang Barangay ng Dagupan City, sa Brgy. Bolosan mula alas otso hanggang alas onse at sa Brgy. Herrero Perez naman mula ala una hanggang alas kwatro ng hapon.
Bahagi pa rin ang nasabing programa sa ilalim ng serbisyong pangkalusugan na may layong iprayoridad ang kalusugan ng mga residente lalo na sa mga bayan at lungsod na nasasakupan ng ikaapat na distrito ng Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments