Abot sa 1, 297 na indibidwal mula sa tatlong bayan ng lalawigan ng Maguindanao ang napagkalaooban ng serbisyo medical ng Peoples Medical Team.
Unang tinungo ng mga ito ang ang bayan ng Barira noong March 20 at nakabenipisyo ang 287 na mga residente, sunod namang pinagkalooban ng mga ito ang bayan ng Buldon noong March 21 at pinagkalooban rin ng kahalintulad na serbisyo ang 464 na mga indibidwal at huling tinungo ng grupo noong March 22 ang Brgy. Tinungkaan sa Upi at nakabiyaya ng 546 na mga residente.
Hindi naman inalintana ng mga medical staff ang pagod para lamang maabot ang mga nabanggit na lugar bitbit ang mga medical services tulad ng gamot liban pa sa pagkakaloob ng free check up, tuli , bunot ng ngipin at gupit.
Ang pagpapabot ng serbisyo medical ay kabilang pa rin sa naging mandato ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu.
Pinasalamatan naman ng Peoples Medical Team ang kanilang mga naging partners na kinabibilangan na lamang ng LGU Barira, Buldon at Upi liban pa sa mga taga 6th ID, 37th IB, CRMC at Philippine Marines at naging matagumpay ang aktibidad.
Hindi maisalarawan ang kasayahan ng mga residenteng nakabiyaya sa medical mission.