Ipinag-utos ng Manila City Government ang paggamit sa medical frontliners ng mga pansamantalang isinarang health centers sa Manila sa contact tracing sa kanilang mga komunidad.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, layon nito na mapabilis ang pagtukoy sa mga infected na residente sa mga barangay.
Tiniyak din ng alkalde na kahit tsismis lamang hinggil sa mga residenteng tinamaan ng COVID-19, ay kanila pa ring isasama sa validation.
Tiniyak din ni Moreno na oras na may dumating na mobile serology testing clinic sa isang barangay sa Maynila, nangangahulugan aniya ito na maraming mga residente sa lugar ang infected ng virus.
Facebook Comments