Kasunod na mataas na demand para sa healthcare workers sa bansa bunga ng COVID-19 pandemic, nagpa-abot si Senate Committee on Health and Demography Chairman Christopher Lawrence “Bong” Go ng pagsuporta sa panukalang batas ni Sen. Joel Villanueva kung saan ang principal author naman ay si Senate President Vicente Sotto III, para sa Medical Scholarship and Return Service Program para sa deserving na mga Pilipinong estudyante na nais magsilbi sa bansa sa larangan ng medisina.
Sa kanyang speech sa Senate regular session, inihayag ni Go na siya mismo ay naging saksi noong siya ang personal aide ni President Rodrigo Duterte noong alkalde pa
ito ng Davao City ,sa pangangailangan para sa holistic approach pagdating sa health care.
“We visited the sick, we helped the poor and Mayor Duterte did his best to address the healthcare situation in Davao City, which is why you can see how progressive and responsive our health care is in the south,” Go said.
“My duty came with many realizations. One of which is that addressing health care must be taken through a holistic approach,” he added.
Sinabi pa ng Senador na akma ang naturang panukalang batas sa isinusulong niyang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) Program kung saan mangangailangan ng maraming duktor sa mga probinsya.
“This vision is also in line with the Balik Probinsya Program that I have proposed and was already approved by the executive department,” Go said.
“Once we have more doctors in the provinces, we can assure Filipinos that a better life is waiting for them in the rural community,” he added.
Naniniwala si Go na ang pagkakaroon ng sapat na bilang ng healthcare workers sa bansa ang tugon sa pagkakaroon ng holistic approach sa pagresolba sa problema sa healthcare sa Pilipinas.
“Isa sa mga dapat sikapin nating itaguyod ay ang pagpapadami ng ating healthcare workers sa bansa,” he said, also noting that the country’s doctor-to-patient ratio remains severely strained.
“Aminado dapat tayo na kulang tayo sa mga doctor, lalong lalo na sa mga probinsya. Ang ating doctor-to-patient ratio ay hindi makakasustento sa tugon ng pangkalusugan sa ating bansa,” he said.
Iginiit pa ni Go na napapanahon ang nasabing bill lalo na’t maraming healthcare professionals sa bansa ang binawian ng buhay sa gitna ng pakikipaglaban sa global pandemic.
“Higit pa, sa krisis na kinakaharap natin ngayon, maraming doctor at medical professionals ang naisakripisyo ang kanilang buhay. Nabawasan pa tayo,” he said.
Sa ilalim ng Medical Scholarship bill, umaasa si Go na maraming mga estudyante na nais maging duktor ang matutulungan nito.
“Aminin din natin na hindi mura ang pag-aaral ng medisina ngunit maraming Pilipino ang gustong kumuha ng kursong ito.
“Through the Medical Scholarship bill, the student will be assisted financially covering their tuition and other school fees; allowance for prescribed books, supplies and equipment; clothing or uniform allowance, among others. This scholarship will cater deserving Filipino students in state universities and colleges and in partner private higher education institutions in regions where there are no state universities or colleges offering the medicine course,” he added.
Ipinaliwanag pa ni Go na sa ilalim ng scholarship, ang estudyanteng nakapag-avail nito ay obligado na ibalik ang serbisyo sa bilang ng taon kung saan siya ay natulungan ng programa o ng medical scholarship program.
“This will pave way for us to substantially support the number of our doctors in the country and, particularly, increase the number of doctors in the provinces or regions they belong, or as identified by the Department of Health,” he said.
Sa panghuli ng kanyang mensahe , nanawagan si Go sa pamahalaan na ipagpatuloy ang pagtulong sa Filipinos na nais magsilbi sa bansa bilang mga duktor sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa kanila na makinabang sa bill.
“Kapag natapos natin ang laban sa COVID-19, malaki ang papel na dapat gampanan ng ating gobyerno sa pagpapataas ng bilang ng doctor sa bansa lalo na sa probinsya. Sabi nila, edukasyon ang sagot sa kahirapan. Para sa akin, edukasyon ang daan natin para sa kaunlaran,” Go said.
“Maraming Pilipino ang gustong tumulong at magserbisyo para sa isang malusog na Pilipinas. Bigyan natin ng pagkakataon ang kabataang Pilipino na makapag-aral ng kursong ito at makapaglingkod bilang doctor sa bansa,” he added.
Kumbinsido ang senador na kapag sinuportahan ng kanyang mga kapwa-senador at naipasa ang naturang panukalang batas ay malaki ang magiging improvement nito sa healthcare system ng bansa.
“Hinihimok ko ang lahat ng naririto na suportahan natin ang Medical Scholarship and Return Service Program. I would like to commend the good sponsor for pushing for this measure and I also wish to convey my intention to be a co-author of this significant legislation,” Go said.
“Better health care requires a strong backbone of doctors and health professionals. If we do this, we can establish a better healthcare system and ultimately a better Philippines,” he ended.