Nakapagtala ng 100% passing rate ang Angeles University Foundation sa Angeles City, Pampanga sa katatapos na Licensure Examination for Physicians.
Sa inilabas na datos ng Philippine Regulatory Commission (PRC), ang Angeles University Foundation ang nanguna sa mga paaralan na may pinakamaraming naipasa na mga bagong doktor.
51 kasi ng kanilang mga examinee ay nakapasa sa board exam.
Sinundan ito ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) na mayroong 97.22% o 155 na mga nakapasa sa 158 na kumuha ng pagsusulit.
Pangatlo ang St. Lukes Medical Center College of Medicine na mayroong 95.74% na passing rate, pang-apat ang Cebu Institute of Medicine at University of the Philippines College of Medicine na kapwa may 95.65% passing rate.
Nasa pang limang pwesto ang Ateneo School of Medicine and Public Health na may passing rate na 94.44%, pang anim ang University of Cebu College of Medicine Foundation Inc., Mandaue na may 93.94%, pampito ang University of Sto. Tomas na may 90. 43%, habang nasa pang walong pwesto ang West Visayas University La Paz na may 89.19% at pang siyam ang University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center na may 87.40% na passing rate.