Medical Sevices ipinagkaloob sa mga residente ng Upi, Maguindanao

22

Higit isang libong residente ng bayan ng Upi sa Maguindanao ang muling nakabiyaya ng ibat ibang medical services mula sa Provincial Government ng Maguindanao.
Naging venue ng dalawang araw na Medical Mission ang Brgy. Nangi.
Free Consultation, Tooth Extraction, Circumcision, bukod pa sa free visual test at eye glasses na ipinagkaloob, nagsagawa rin ng feeding program ang Medical Staff ng Gobyernong may Malasakit sa Maguindanao.
Namahagi rin ng 20 wheelchairs ang Provincial Government.
Samantala nagsimula na rin ang distribution ng libong mga armchairs para naman sa mga mag-aaral ng bayan.
Lubos naman ang pagpapasalamat ng mga residenteng nakabiyaya ng Upi sa medical services na ipinagkaloob sa kanila ng PGO sa direktiba na rin Gov. Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Matatandaang kabilang sa prayoridad na programa ni Gov. Bai Mariam ang mabigyan ng atensyon ang kalusugan ng bawat mamayan ng lalawigan.

Facebook Comments

From Advertisers