Naglunsad na rin ng on-line medical consultation sa pamamagitan ng telemedicine ang Medical Personnel ng PNP-Aviation Security Group.
Partikular na seserbisyuhan ng AVSEGROUP Medical Team ang kanilang mga kasamahang kapwa frontliners.
Layon nito na maibsan ang bigat ng pinagdadaanan ng AVSEGROUP frontliners lalo na at ang isa anila ng kanilang paa ay nasa hukay.
Ayon sa AVSEGROUP, sa pamamagitan ng Telemedicine mas madali nilang mamo-monitor ang sitwasyon ng bawat isa nilang kasamahan na may pinagdadaanang physiological at psychological o nangangailangan ng medical assistance maging COVID-19 man o non-COVID-19 related concerns.
Facebook Comments