Medical teams ng CAAP, nakaalerto laban sa banta ng pertussis

Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na handa ang kanilang ahensya sa banta ng pertussis at iba’t ibang klase ng sakit.

Ayon kay CAAP Public Information Officer Karen Villanda, naka-standby ang kanilang medical teams sa 44 na CAAP- operated airports.

Pinapayuhan din ng CAAP ang mga pasahero na maging mapanuri sa paligid habang bumibiyahe para makaiwas sa mga sakit.


Una nang nagdeklara ng outbreak ng pertussis ang ilang lokal na pamahalaan.

Ang nasabing sakit ay isang influenza-like illness kung saan nakakahawa ito sa pamamagitan ng pagbahing at pag-ubo.

Facebook Comments