Medical workers, lubos na pinasalamatan ngayong Labor Day

“Halos hindi na natutulog”

Ito ang paglalarawan ni Taguig Mayor Lino Cayetano sa sitwasyon ng health workers ngayong pandemya.

Ayon kay Cayetano, ngayong Labor Day, nararapat lang na kilalanin ang sakripisyo ng mga doctor, nurse at iba pang frontliners.


Kung maaalala, ilang beses nang humiling ng break ang mga doctor at nurse na nagresulta sa papalit-palit na quarantine status ng bansa upang mapabagal ang pagkalat ng virus at bahagyang makahinga ang mga health workers.

Samantala, sa symbolic vaccination para sa manggagawa sa Taguig, Sinovac ang ginamit na bakuna kung saan 132 ang nakalista.

Kabilang na rito ang isang seafarer na required mabakunahan bago makabalik ng trabaho.

Sa mga nabigyan ng bakuna ngayong araw, wala pa namang nakikitaan ng adverse effect.

Facebook Comments