Hindi isinasantabi ng Philippine General Hospital (PGH) ang paghiling sa pamahalaan ng timeout sakaling magtuluy-tuloy ang paglobo ng COVID-19 cases.
Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario, ramdam na nila ang pagsipa ng kaso kung saan ilang health workers na rin ng ospital ang nagkakasakit.
Dagdag pa aniya rito ang projection ng OCTA Research Group na hindi pa tapos ang record breaking na bilang ng mga bagong kasong naitatala kada araw.
Giit ni Del Rosario, bagama’t mild lamang ang kaso ng karamihan ay marami pa rin ang pasyenteng nagtutungo sa ospital.
Sa ngayon, umapela na ang PGH sa ibang ospital na sila muna ang tumanggap ng mga non-COVID diagnosis dahil mas nakatuon muna sila ngayon sa mga pasyenteng ginagamot dahil sa COVID-19.
Facebook Comments