Medicinal plant na “sinta”, pinag-aaralan na ng DOST bilang gamot sa COVID-19

Pinag-aaralan na ng bansa ang paggamit sa medicinal plant na “sinta” (Andrographis paniculata) bilang gamot sa COVID-19.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST)-Philippine Council for Health Research and Development Executive Director Jaime Montoya, maliban sa Pilipinas ay pinag-aaralan na rin ito sa southern Asia.

Ang Sinta ay kilala bilang “Hempedu Bumi” (bile of earth) sa Malaysia, at “Bhumi-neem” (neem of the ground) sa India na kadalasang mapait ang lasa.


Maliban sa panlunas sa COVID-19, ginagamit din ang Sinta sa India bilang gamot sa ubo, diarrhea, indigestion, bronchitis, lagnat, inflammation, at skin diseases habang sa China ay kilala ito bilang panlunas sa colitis (inflammatory disease sa colon), ubo, lagnat at dysentery.

Facebook Comments