Medico-legal officer na sumuri sa bangkay ng flight attendant na namatay sa Makati City, sinampahan na ng kaso ng pamilya ng dalaga

Kinumpirma ng legal counsel ng pamilya ng flight attendant na si Christine Dacera ang pagsasampa ng kaso laban sa medico-legal officer na nagsagawa ng autopsy sa bangkay ng dalaga.

Ayon kay Atty. Brick Reyes, dapat panagutin ang nasabing medico-legal officer dahil sa ilang kamalian nitong nagawa.

Paliwanag naman ng ina ni Christine na si Sharon, kahit pa nagsalita na ang apat na respondents sa kaso na itinuturing ding suspek ay hindi pa rin siya kumbinsidong natural death ang kinamatay ng anak.


Sa ngayon, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Brigadier General Vicente Danao Jr. na susunod nilang titingnan ang posibleng lapses lalo’t na-embalsamo ang bangkay ng biktima bago ang medico-legal examination.

Facebook Comments