Quezon City – Kasalukuyang nagsasagawa ngayon ng leadership meeting ang PDP-Laban sa isang bagong hotel sa Quezon City sa gitna ng pagsulpot ng dalawang faction ng partido.
Kabilang sa namataang dumalo sa pulong ay sina Senador Koko Pimentel, dating house speaker Pantaleon Alvarez, political adviser Francis Tolentino, Negros Occidental Congressman Albee Benitez at Davao City Congressman Karlo Nograles at mga local leaders.
Pagkatapos ng opening address ni Senador Pimentel ay pinalabas na ang mga miyembro ng media dahil internal na ang importante nilang pag-uusapan.
Isa sa inaabangan sa leadership meeting ay kung may magmosyon na magkaroon ng pagpapalit ng liderato nauna nang nagsagawa ng isang national assembly ang isang faction ng PDP-Laban kung saan ay pinatalsik nila bilang lider si Pimentel.