MEETING | TUCP, tuloy ang dayalogo kay PRRD ngayong araw

Manila, Philippines – Sisikapin ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na mabuksan sa kanilang diyalogo mamayang hapon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang pangangailangan na ng wage adjustment sa harap na patuloy na pagsirit ng inflation.

Ayon kay TUCP President Raymond Mendoza, kung mabibigyan sila ng pagkakataon, hihilingin nila sa Pangulo na sertipikahan bilang urgent bill ang P320 wage increase across the board na nakasalang sa House of Representatives.

Gayundin na atasan niya ang regional wage board na i-adjust ang minimum wage rates ng lahat ng minimum wage earners sa buong bansa.


Vulnerable na rin ngayon ang 17 million na informal economy workers na walang fixed income at hindi rin sakop ng social insurance tulad ng SSS, Pag-IBIG at PhilHealth.

Nababahala ang TUCP dahil sa harap ng pagsipa na sa 6.7 per cent ang inflation rate, wala pa ring kongkretong solusyon ang gobyerno na mapaginhawa ang kalagayan ng mga manggagawa.

Sinabi naman ni TUCP Vice President Luis Corral na hihilingin din nila ang resignation ni Trade Secretary Ramon Lopez dahil sa kabiguan na magpatupad ng price control sa mga presyo ng pangunahing bilihin.

Facebook Comments