Meg Imperial, proud na ipinakilala ang BF; Public viewing sa labi ni Pepe Smith, sisimulan na bukas

Ipinakilala na ng aktres na si Meg Imperial sa kauna-unahang pagkakataon ang kaniyang non-showbiz boyfriend.

Nabatid na magda-dalawang taon na ang relasyon ni Meg sa boyfriend na si Ravien kung saan nakatira ito sa Milan, Italy.

Bagama’t long distance relationship ang dalawa, ipinagmalaki ni Meg na hindi ito hadlang kaya at nananatili ang effort nila para maging matatag ang kanilang relasyon na kanila naman ipinagmamalaki at sana daw ay gayahin ito ng iba.


Samantala, isasagawa na bukas ang public viewing sa burol ng Pinoy Rock Legend na si Pepe Smith.

Magsisimula ang public viewing ng alas-9:00 ng umaga sa Venice Chapel sa Loyola Memorial Park sa Sucat, Parañaque pero umaapela ang pamilya nito sa mga dadalo na huwag itong kunan ng mga larawan bilang respeto.

Tatagal naman ang public viewing ng Pebredo 1 sa ganap na alas-9:00 ng gabi.

Facebook Comments